Announcement

Collapse
No announcement yet.

Choir Uniform

Collapse
X
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Choir Uniform

    Ano ang magandang uniform for choirs? Any suggestions?

  • #2
    Choir Uniform

    kami jo ang uniform namin sa choir eh yung uniform namin noong kumanta kami ng quadricentenial mass last world youth day binago lang namin yung parang lace ginawa naming blue color ng lourdes. ganon pwede..... :-\
    I SHOULD REALLY SET MY BIRTHDAY, NEW PASSWORD, and EMAIL ADDRESS... THEN TAKE OUT/CHANGE THIS SIGNATURE (by webmaster)

    Comment


    • #3
      Choir Uniform

      kami may 3 uniforn. polo for the guys tapos blouse for the girls. simple lang uniform namin. tapos kapag may special na mass naka barong kami ang naka-poncho ang girls. pero mukhang mas maganda kung naka choir gown po kayo.
      for as long as i have music as long as there's a song for me to sing i will find my way, i can see a brighter day the music in my life will set my spirit free

      Comment


      • #4
        Choir Uniform

        meron nga pala kaming bagong uniform kaya lang unofficial palang kasi yung mga nag wowork palang ang meron, barong sa lalaki na mayshade ng blue (color ng lourdes ofcourse) at sa girls naman parang filipiniana ang style pero hindi (di ko madiscribe pero maganda) :....
        I SHOULD REALLY SET MY BIRTHDAY, NEW PASSWORD, and EMAIL ADDRESS... THEN TAKE OUT/CHANGE THIS SIGNATURE (by webmaster)

        Comment


        • #5
          Choir Uniform

          kami pang bata uniform namin. off white na pants, parang katcha tapos orange na polo. girls naman orange na skirt (parang BP sa TNB album) tapos offwhite na blouse. baligtad. tapos kanta kami sa wedding pinagawan kami ng polo shirt nung kakasal. dagdag uniform na yun. ;D
          Bagong Awit Music Ministry

          Please check links below:

           Rules and Regulations
           Newbie Questions
           The Meet Market

          Comment


          • #6
            Choir Uniform

            pinaka simple jojo yung choir gown tapos lagyan na lang ng shade like sa lourdes color blue..
            I SHOULD REALLY SET MY BIRTHDAY, NEW PASSWORD, and EMAIL ADDRESS... THEN TAKE OUT/CHANGE THIS SIGNATURE (by webmaster)

            Comment


            • #7
              Choir Uniform

              Kami for regular mass, meron kaming isinusuot, either white shirt and pans or blue shirt for the boys and gold shirt for the girls with printed parish logo, color sya ng parish namin...and for especial ocassion we wear barong for the boys and black gown with kimona for the girls....

              then last week meron naman kaming bagong uniform...masyado kasing ang support ng parish priest namin...

              Comment


              • #8
                Choir Uniform

                Sa Bukas Palad, marami na kaming pinagdaanang 'uniform'. I can remember at least 12 sets of clothes we've worn over the past 8 years. Actually, costume na talaga yung sa amin, kasi madalas, sa concert ginagamit. Ako yung nag-design sa ilang costume namin, at marami na rin akong natutuhan tungkol sa paggawa ng damit para sa choir over the years.

                Here are some considerations you should think about when making choral costumes:

                1. Maganda kung mukhang 'pasadya'. Kung mukhang pang-araw-araw na damit lang ang uniform, may ilang problema. Una, baka gamitin ng member na pamasyal/pang-party, at maluma agad ang damit. (Nangyari na ito sa ilang costume ng BP. ) Ikalawa, ang silbi ng uniporme, hindi lang para pare-pareho ang suot, kundi para bigyang pansin ang papel ng koro sa Misa, sa concert, et cetera. So dapat, medyo kakaiba at angat sa karaniwan ang disenyo at kulay.

                2. Pagpili ng tela/design, siguraduhin, matibay, hindi madaling maluma, at madaling alagaan ang costume. OK ang costume na hindi dumihin, madaling labahan, mabilis matuyo, at hindi na kailangang plantsahin masyado.

                3. Dapat medyo generic. Iba-iba ang pangangatawan ng magsusuot. Dapat pumili ng style na bagay sa lahat. At dapat, pumili ng style na hindi mawawala sa uso. Classic dapat. At pagbili ng tela, dapat, yung hindi mahirap hanapin. Kasi, kung kailangan ninyo ng bagong uniporme, baka hindi na ninyo mahanapan ng tela kung masyadong exotic.

                4. Dapat komportable at madaling gumalaw. Kasi, kahit super ganda ng costume, pag hindi komportable, makakasagabal lang sa pagkanta/pagsayaw.

                5. Mix and match. Matagal ko nang gustong gawin ito sa BP, pero hindi pa natutuloy. Magandang uniporme yung puwedeng iba-iba ang kombinasyon ng pagsuot. Example: May 2 pantalon, 2 polo, pero puwedeng iba-ibahin ang terno. O di kaya, may accessory tulad ng vest na puwedeng isuot o tanggalin.

                6. Dapat angkop sa choir. Use colors associated with your parish/school/patron. Use designs which will look good on you, and which are appropriate for your purpose. Hindi yata puwedeng maong kung formal ang uniform. Hindi rin yata angkop ang jusi barong sa casual...

                Yun na lang muna. Sana nakatulong.

                Oo nga pala. Tungkol sa choir gowns. Gusto ko yung hitsura ng choir gown, pero sa Pilipinas, parang hindi bagay, kasi ang init dito. Tapos, bihira ang gumagamit ng choir gown dito. So I'm not sure if it's appropriate.

                Tapos, kung wala kayong uniform, o gusto lang ninyong maiba, pick certain colors, tapos yun ang ipasuot ninyo. Sa BP, favorite 'uniform' ko yung all-white namin. Actually, nagpagawa kami ng costume na all-white dati. Pero mas maganda yung kanya-kanyang pili at suot, basta all white. Gusto ko rin yung Yellow and White 'costume' ng Hangad. Kanya kanya lang sila ng suot, pero dilaw at puti lang ang puwede.

                Comment


                • #9
                  Choir Uniform

                  Salamat sa mga suggestions nyo, dami ko nakuha idea. Dito kase sa amin Parish, poor yung mga choir. mahirap din maghanap ng sponsor dito sa province. Yung choir namin, nag-ipon lang dun sa mga bayad sa kasal. Pero yung mga bago namin wala pa. Ipon ulit kami.

                  Pagwala pa uniform yung choir, policy namin yung mga guys ay mag-susuot ng t-shirt with colar, bawal ang, maong. sa mga ladies naman, bawal pantalon, dapat skirt.

                  Any more suggestions para sa mga choir na wala unifrom?

                  Comment


                  • #10
                    Choir Uniform

                    sa amin naman basta presentable ok lang. hindi naman bawal ang maong kasi un ang pinaka-comfortable sa lahat eh. sa girls naman ok lang din kahit naka-pants. i think my members are matured enough para mamili ng appropriate na damit sa church. pag walang uniform, pwedeng maging parepareho nalang color. parang nung concert ng hangad lahat sila merong touch of yellow (a capella concert) kami minsan pag sunday lahat kami naka-white na pang taas. mhirap talaga pag walang budget eh. lalo na pag wala ding pera members. sa amin mga students or wala pang work.
                    Bagong Awit Music Ministry

                    Please check links below:

                     Rules and Regulations
                     Newbie Questions
                     The Meet Market

                    Comment


                    • #11
                      Choir Uniform

                      maganda yung suggestion ni sir ali marami rin akong natutunan..... magagamit namin yon sa pagpili ng sususunod na uniform... ;D
                      I SHOULD REALLY SET MY BIRTHDAY, NEW PASSWORD, and EMAIL ADDRESS... THEN TAKE OUT/CHANGE THIS SIGNATURE (by webmaster)

                      Comment


                      • #12
                        Choir Uniform

                        On special feasts and holydays, like Sundays of Advent, Christmas, New Year, solemnities, Lent, etc. we use choir gowns. Doing so, the "grandness" or importance of the event being celebrated is all the more highlighted. On "ordinary" Sunday celebrations, we prefer to wear whatever is comfortable, but acceptable.

                        Our gown looks more like a "sutana", over which we put a cope similar in cut to that being worn by lay ministers. The color of the cope depends on the liturgical color of the day. We also have a Marian 'stola' for feasts of the Blessed Virgin. The parishioners like it - para daw kaming mga pari. Minsan nga me mga batang nagkakamali at nagbebless sa akin.

                        For choir gown designs, just search the internet and I'm sure that with the variety of styles, you'll find one that suits your group.

                        Kung init ang pinaguusapan, pili na lang kayo ng telang malamig sa katawan.



                        Comment


                        • #13
                          Re:Choir Uniform

                          kurapica...

                          u said supportado kyo ng parish nyo...

                          does that mean na sila gastos sa uniform nyo?
                          Always BE Positive!
                          Be Do Have not the other way around

                          my links
                          http://groups.yahoo.com/group/ypgchoir/
                          http://www.smfpa.com
                          http://ef_aei.blogspot.com/

                          Comment


                          • #14
                            Re:Choir Uniform

                            Apiong-YPG,

                            Yes, lahat ng uniform sagot ng parish namain......except yung barong type (lukot mayaman na uniform) 50/50 kami ng parish....ito conditional para dun sa may mga trabaho, at para naman dun sa walang trabaho libre sila.

                            Bukas, July 26, 2003, meron kaming mini concert sa Los Ba

                            Comment


                            • #15
                              Choir Uniform

                              Sir Ali,

                              What uniform do you suggest? We have marian songfest this coming October 17, 2003.

                              Thanks in advance!!!

                              Sa Bukas Palad, marami na kaming pinagdaanang 'uniform'. . .

                              Comment

                              Working...
                              X